Buwan ng Wika: Kasuotang Pilipino

  Kapag buwan na ng Agosto, alam na—buwan na ng ating wika, ang wikang Filipino. Kung saan sa ating paaralan, buong buwan natin ito pinagdidiriwang sa pamamagitan ng iba't-ibang mga aktibidad para sa lahat ng mga mag-aaral. Isa sa mga gawain ay ang pangaraw-araw na katanungan patungkol sa ating bansa, wika at sa ating mga Pilipino sa pangunguna ng guro sa Filipino sa JHS na si Gng. Jacqueline Sampaga.

  Isa rin sa mga naganap na aktibidad ay ang pagbibigay ng interpretasyon sa kantang Paglaum ni Sharon Magdayao o mas kilala ngayon na si Vina Morales na pinagwagian ng Grade 9-Prudence.

  At ang pinaghahandaan ng lahat ay ang pagsusuot ng kasuotang Pilipino ng bawat mag-aaral na nangyayari sa pagtatapos ng buwan. Noong ika-26 ng Agosto ay nagsuot ang lahat ng kani-kanilang mga Filipiniana, Barong Tagalog at iba pang kasuotan kung saan sa pagsusuot din ay naipapakita natin ang ating pagiging pagka-Pilipino.

 Ang akin namang isinuot ay ang baro't saya na nanggaling sa grupo ng mga Tagalogs at Visayans. Naging komportable naman ako dahil din sa telang ginamit kung kaya't isa ito sa mga dahilan kung bakit kakaiba talaga ang kasuotan dito sa atin dahil sa tela na ating ginagamit. Dahil dito, hindi lang mga Pilipino ang nawiwili sa ating kasuotan kun'di pati na ang mga banyaga na gustong-gusto din ang ating mga damit.

  Ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay di lamang dapat sa buwan ng Agosto kun'di dapat araw-araw natin laging damhin at ipadama na mahal natin ang ating wika at ang bansang Pilipinas.


Ito ay ang iilan sa mga larawan noong Biyernes;

(kaliwa hanggang dulo) Kiara Go, Khayla Carreon at
Janneve Moncano.
Larawan mula kay Janneve Moncano


Hindi normal na picture mula sa amin. (nakatayo-nakaupo)
Phil John Quimada, Kurt Beldad, Arfiel Manigbas, Shanise Semoran
Khayla Carreonn, Shaq Villoga, Jon Tabura at Paolo Lapera.
Larawan mula kay Shanise Semoran


Normal na ngiti ng lahat. (kaliwa hanggang kanan)
Jon Tabura, Phil John Quimada, Paolo Lapera, Kurt Beldad
Shaq Villoga, Shanise Semoran, Khayla Carreon at Arfiel Manigbas
Larawan mula kay Shanise Semoran

Comments

Popular posts from this blog

Companies with Greek Names

How To Win A Jingle Competition?